PDA

View Full Version : Need My Advise?



Dr. Love
06-16-2009, 10:01 AM
Huwag po kayong mahiyang magtanong o humingi ng advise kay Dr. Love, ito po ang misyon ko sa buhay, ang mabigyan ng kasagutn ang problema ng inyong puso...

D' LeGenD
06-16-2009, 10:24 PM
Doc, curious lang po.. Secured ba ang clinic nyo? Wala bang Hayden camera diyan? Sensya na po nagtatanong lang hehehe...

BTW, hintay lang muna ko sa mauunang mag-reveal ng problem.

Thks doc.

JohnkiLL
06-17-2009, 09:19 AM
ehemmnn..ehemn... Sino kaya ang mauuna?

Yung mga may problema dyan, ilahad na dito...

zildjian
06-17-2009, 01:39 PM
mauuna na ako....doc ask ko lang masasabi/malalaman mo ba na mhal ka ng love partner mo dhil lang naibibigay mo lahat ng mga bagay na hinihiling nya?.i mean materyal na bgay,pagtulong sa pamilya nya,lahat ng kaya mong ibigay...napupunan naman nya mga resposibilidad nya sau..like sex,pagaalaga..pro ang di nya magawa e ung gawing legal ang relasyon nyo lalo na sa pamilya nya..dpo ba patiwakal ang ginawa mo kung skaling hiwlayan ka nya..syempre naman dmo pwedeng bawiin lahat ng pinaghirapan mo sa kanya..need po advice kung kailangan pa ipagpatuloy...slamat po

Dr. Love
06-17-2009, 07:11 PM
Dear Zild,


Una sa lahat magandang araw sa iyo at sa lahat na sumusubaybay sa section na ito at nagpapasalat ako sa iyo at sa wakas may pasyente na ako....


Hindi mo masyadong nilinaw kung nag live-in na ba kayo o gf mo lang, pero anyway sasagutin ko pa rin ang tanong mo.Base sa sinasabi mo tinutupad naman nya ang mga responsibilidad nya sayo sa kahit anong bagay maliban lang sa isang bagay na gawing legal ang relasyon nyo which is magpapa kasal kayo, di ba? Kausapin mo sya at ano ang mabigat nya na dahilan kung bakit ayaw nya magpakasal sayo? Alam naman ng pamilya nya na kayo na kasi nga tinutulungan mo pati pamilya nya. Ang pagmamahal kasi kapatid na Zild, maraming paraan para maipakita mo sa iyong kabiyak, hindi porket nakontento ka sa kanya sa kama o kayay pinagsisilbihan ka nya ay masasabing mahal ka na nya o kayay porket kasal na kayo ay masasabi mo na mahal ka na nya. Hindi lang yun kapatid, marami. ANG PAGMAMAHAL AY MARARAMDAMAN MO SA ARAW-ARAW NA KASAMA MO SYA, AT HABANG TUMATAGAL KAYO NA NAGSASAMA AY LALONG TUMITIBAY ANG INYONG PAGMAMAHAL, YUN ANG IBIG SABIHIN NG TUNAY NA PAGMAMAHAL..


Tungkol naman dun sa mga bagay na binibigay mo sa kanya sa pamilya nya ito lang ang masasabi ko sayo, PAG NAGBIGAY KA NG MATERYAL NA BAGAY SA MINAMAHAL MO WAG KANG MAGHINTAY NG ANO MANG KAPALIT...Zild natatakot ka kamo na baka maghiwaly kayo pagdating ng araw at wala ka ng makuha sa mga binibigay mo? Kapatid materyal na bagay lang yan kaya mo pang bilhin yan..



Zild nararamdaman ko na isa kang mabuting tao, pag hiniwalayan ka nya, na sana hindi naman mangyari hindi ikaw ang nawalan, siya ang nawalan ng isang tao na napakabait at matulungin at handang magsakrepisyo alang-alang sa pag-ibig.



Sana nakatulong ako sayo at sana napaliwanag ko sayo ang opinyon ko bilang isang doktor ng mga puso..Salamat sa pagtitiwala..




Nagmamahal,


Dr. Love Kho

pechy_26
06-18-2009, 10:48 AM
Zild nararamdaman ko na isa kang mabuting tao, pag hiniwalayan ka nya, na sana hindi naman mangyari hindi ikaw ang nawalan, siya ang nawalan ng isang tao na napakabait at matulungin at handang magsakrepisyo alang-alang sa pag-ibig.



hmmmm..nakakarelate ako dito sa linya nato...thanks DR.LOVE

thonz_861
06-18-2009, 09:20 PM
hay sino kaya ang next na matututulungan ni doc.love???hayyy sana may back ground na music habang nagbabasa tayo ng sakit sa puso aray...

si boss zild may dinadamdam pala kaya mo yan boss..ikaw pa sa dami ng tattoo mo hehehehe kakayanin mo yan pag kailangan mo ng kainuman este kausap andito kami tol:)

zildjian
06-19-2009, 12:05 AM
hay sino kaya ang next na matututulungan ni doc.love???hayyy sana may back ground na music habang nagbabasa tayo ng sakit sa puso aray...

si boss zild may dinadamdam pala kaya mo yan boss..ikaw pa sa dami ng tattoo mo hehehehe kakayanin mo yan pag kailangan mo ng kainuman este kausap andito kami tol:)



kya nga naging joaquin bordado ako d2 dubai.pasyalan mo friendster ko kung panu naburdahan katawan ko...inom tau pag may time..

slamat dr. love sa payo..nagaanan po loob ko..malaki rin pagkakamali ko..at sna nga mabago ko pananaw ko sa buhay lalo na ngaun maiiwan nanaman ako d2 dubai kc pauwi na sya sa 27...nalulungkot nnman ako.:((

♥dEstiNy♥
06-22-2009, 02:23 PM
HMMM.... wag ka manghinayang sa mga ginwa mo sa knya zild... if she really loved you gagawin din nmn nya lahat para sayo.. cguro kya di nya magawang legal kc para sa knya ndi pa tlga kayo at un ang masakit dun.. on your part nmn atleast ndi ka naging masamang tao sa knya, nakita nmn nya un e at alam kong itretreasure nya yun... yun nga lang cguro ndi kayo para sa isat isa... minahal mo sya ng totoo at naging totoo ka sa knya, kung hiwalayan ka man nya cguro ndi pa enough un.... hmmm yaan mo my right girl para sayo... hahah trials lang yan, tlgang dumadating.... @};- @};- proud kmi sau..

amuLet
06-22-2009, 04:52 PM
boss zild parang iba ang chika mo sa'kin ah ;))

have faith po at malalampasan mo din yan... >:D<